Author
Adviser
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga karanasan, pagsubok, at coping strategiesng mga traysikel drayber ng UPLAND TODA sa Bay, Laguna sa panahon ng pandemya. Gamit ang face-to-face na sarbey, panayam sa piling tagabatid, at mga sekondaryangdatos, natuklasang mayroong mga pang-organisasyong katangian, istruktura at mgabatasna sumasakop sa TODA na may impluwensya rito. Gayundin, nalamang nanatilingmalusog ang mga traysikel drayber at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsunodsahealth protocols at mga programang gaya ng pagpapabakuna at rapid testing. Kapansin-pansin din na marami ang mayroon pa ring positibong karanasan sa panahonngpandemya liban sa pagkaramdam ng takot sa COVID-19 at stress sa pinansyal napagsubok dulot nito. Dagdag pa, lumalabas na gumamit ang mga drayber ngmgapang-indibidwal, pampamilya, at pang-komunidad na coping strategies upangharapinang pandemya at punan ang kakulangan ng pang-institusyonal na mga suportasapanahong ito. Sang-ayon sa mga naunang pag-aaral, karamihan sa mga coping strategyna kanilang ginamit sa panahon ng krisis ay may kinalaman sa pansariling disposisyon, sariling kakayahan, at suporta ng pamilya at ng komunidad. Inirerekomenda ang pagsusuri pa ng mga paraang magpapatibay sa mga pang-indibidwal at pang-institusyonal na coping stratagies sa panahon ng krisis, at pagkakaroonngmgapagbabago sa mga mekanismo ng pamahalaan upang maging proactive sa pagsubokngsektor ng transportasyon.